Chefs

Kung ikaw ay isang aspiring chef….

Aspiring Chef ka ba? Eh restaurateur? Nag-aaral ng Culinary? ng HRM? Kilala mo ba si Gordon Ramsay? Kung hindi pa ay kilalanin mo na.

Si Gordon Ramsay ay isang British celebrity chef at restaurateur na nagmamay-ari ng maraming Michelin Restaurants sa UK at sa US. Marami rin syang mga reality shows tulad ng Hell’s Kitchen, Master Chef, Master Chef Junior,  Kitchen Nightmares at iba pa. So ano ngayon?

Kilala sya sa pagiging mainitin ang ulo, palasigaw at pala-mura hindi lang ng kanyang mga nakatrabaho, empleyado at pati na rin ng lahat ng nakapanood ng mga shows nya. So ano ulit ngayon?

Napanood ko na ang lahat ng episodes ng Kitchen Nightmares at Master Chef Junior at sa tingin ko ay may maiaambag ito sa kaalaaman ng isang aspiring chef/restaurateur.

Yung Master Chef Junior ay nilalahukan ng mga batang nasa edad na 8 to 12 at mamamangha ka sa nagagawa ng mga malilit at cute na cute na mga bata na kahit mga matatandang tulad natin ay baka hindi magawa. Tulad na lang nitong si Oona na syam na taon pa lang ay nakagawa na ng sarili nyang bersyon ng French Classic Appetizer na Chicken Liver Pate.

 

Maniniwala ba kayong puro bata lamang ang nagluto ng mga nasa larawan sa itaas?

 

At maniniwala ba kayong si Abbey na nakapasok sa Semis ng Season 2 at si Riley ng Season 3 ay pawang mga walong taong gulang pa lamang? Haish…ano bang ginagawa ko nung 8 years old pa lang ako? Nagpipiko? Nagchi-chinese garter? Hiyang-hiya naman ako…waaah.

So ito na nga. Kung aspiring Chef ka…marami kang matututunan sa Master Chef Junior at mas lalo naman sa Master Chef. Hindi ka lang makakakuha ng mga techniques na ginagawa nila sa pagluluto kundi mai-inspire ka pa.

So kung aspiring restaurateur o restaurant manager  ka naman, magandang panoorin ang Kitchen Nightmares. Ang palabas na ito ay nagfe-feature ng mga paluging restaurant, bakit sila nalulugi at kung ano ang gagawin ni Gordon at ng kanyang team para muling maibalik ang buhay nung restaurant sa loob lamang ng isang linggo.

Maraming mga Chefs at Restaurant Owners ang pinapaiyak ni Gordon Ramsay sa palabas dahil marami talaga sa mga nagtatayo ng restaurant ay walang background sa food industry. Akala nila madali lang mag-manage nito pero hindi iyon kasing dali ng akala nila.

Binabalikan ni Gordon yung mga restaurant matapos ang ilang buwan para tingnan kung ano na ang naging resulta. Maraming mga paluging restaurant ang muling nakabawi dahil niyakap nila ang mga pagbabago at natuto sila mula sa kanilang mga pagkakamali pero marami pa rin ang nagsara dahil pagkaalis na pagkaalis pa lang ni Gordon sa kanilang teritoryo ay nagbalik sila sa dating gawi na dahilan upang ika-lugi ng negosyo.

So kung nakarating ka na sa dulo nitong post, ibig sabihin binasa mo ang lahat ng ito, at ibig sabihin, alam mo na kung bakit kelangan mong makilala si Gordon Ramsay.

 

P.S. Kung saka-sakaling matapos nyo basahin ito ay panoorin nyo yung Kitchen Nightmares at nakita nyong pinagsisigawan ni Gordon yung mga Chef doon wag nyong isiping rude sya. Ganyan talaga ang buhay sa loob ng kusina. Kung  balat-sibuyas kayo, magpalit na kayo ng career. Hindi ito para sa inyo. xoxo.

Advertisements

I'd love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s