FAQs on HRM

Tourism, HRM or Business

Hello Twisted Fate, eto na po ang sagot sa mga tanong mo 🙂

Ʈwisted ℱate ☪ … 3h

Ate, nakatulong po yung blog niyo :’)) Kakaiiyak. Hahaha. Kasi po I can’t choose between Tourism, HRM, and Business.

Nung bata po ako ay HRM po kasi feel ko siya pero nung na tungtong na ko ng high school, nagbago po isip ko dahil MAGLULUTO. Marunong naman po ako mag luto (yung mga basics lang), kaso NGA NGA po ako doon. Hindi ko kaya mag memorize ng mga steps at yung mga ingriedients.

Kaya nung sinabi ko sa parents ko ay BUSINESS na lang po. Ok lang po sa akin kaso ayoko yung laging stressed and pressure. Kasi po gusto nila ako ang mag handle ng works nila.

KASO, gusto ko po magtrabaho sa CRUISE kasi sa totoo po, ay gusto ko mataas yung sahod (no offense) at I know na ma eenjoy ko yun dahil pupunta ng ibang banasa which means, MATAGAL ko na pong pangarap mag travel at ni-rerecommend ako ng ninong ko doon dahil siya ay nagtratrabaho sa barko, captain ata?

Tapos sabi sa akin ng classmate ko sa TOURISM na lang ako dahil kawawa daw yung mga HRM, taga utos lang daw. Ang sa akin, ok lang mag tourism, kerri naman yung height, kaso…Ang alam ko ay kailangan MAGANDA ka doon means perfect white teeth, sexy, and clear skin. EH hindi naman ako maganda. Insecure na kung insecure. Ang dami ko kayang pimples! -__-

Nakapagtanong tanong ka na ba kung ano ang trabaho sa Cruise? Alam nating lahat na mataas ang sweldo ng mga yan pero alam mo ba kung ano ang ginagawa nila? Syempre hindi ka seswelduhan ng malaki kung walang kapallit? Tama ba? Everything comes with a price ika nga. Oo naron na tayo at pag nag cruise ship ka ay maraming bansa ka talagang mapupuntahan, oo pag dadaong na kayo. Pero pag nasa gitna kayo ng dagat? 16-18 hours ang trabaho nyo at walang day off hangga’t hindi kayo dadaong. Sa tingin mo ba kaya mo ang bigat ng trabaho?

At dun naman sa kaklasae mo na nagsabing ang HRM ay utusan lang, eh bakit ako HRM ang kurso ko pero hindi naman ako isang utusan? Oo magsisimula ka sa mababa, lahat naman diba? Kahit anong kurso ganyan eh. Pero nasa tao naman yan.

Sa tourism naman na sabi mo eh kelangan perfect white teeth etc., hehe madalas mga Tourism students naka brace pag college para gumanda ngipin tapos aalisin na nila pag applyan na. At yung sa pearly white skin, iha, sa Pilipinas na lang nangangarap ang mga taong pumuti. Sa ibang bansa ay hit na hit ang pagiging morena nating mga Asians. Yung mga babae kamong mapuputi ay nagpapa-tan. Anu ba? And yung sa pimples mo, kahit naman HRM ka iha kelangan neat ka kasi humaharap ka rin sa tao unless sa kitchen ka magtatrabaho. So habang nag-aaral ka gawan mo ito ng paraan kung talagang pursigido ka. Hindi kita mapapayuhan ng beauty tips ha hehehe di ako expert dyan.

Ng dahil po sa blog niyo na isip ko na HRM na lang kaso may cooking 😦 at yung math! ugh.. at humihingi po ako ng advice and opinyon niyo.

THANK YOU SO MUCH ❤

Sana lang nabasa mo yung mga ibang comments and sagot ko dito. Andami na kasing nagtanong tungkol sa cooking at hindi sila marunong magluto. Sinagot ko na nga iyang tanong na iyan sa post kong ito ganun din sa post kong ito at sasagutin ko ulit ngayon. May cooking classes po sa HRM pero basic kasi hindi naman ito culinary. And kung marunong ka na magluto hindi ka mahihirapan sa pag-catch up and lahat naman po mapag-aaralan.

Yung sa Math, wag kang mag-alala, Basic Accounting, Algebra and Statistics lang halos ang kasama sa curriculum at saka Food Costing.

Siguro ang mas piliin mo ay yung kung ano ba gusto mo at hindi yung kung ano ang naririnig mo sa iba. Kasi at the end of the day kung makikinig ka sa kanila, hindi naman sila ang pede mong sisihin kapag ayaw mo pala nung kinuha mong kurso. And by the way pwede ka pa ring mag manage ng business kahit HRM ang kukunin mo.

Kung culinary at math ang pinoproblema mo kaya nagdadalawang isip ka kung kukunin mo ang HRM, hindi mo dapat ito isipin. Kaya mo yan. Lahat napag-aaralan. Dumaan din ako dyan at noon wala akong nabasang blog na pedeng mahingan ng tulong kaya wala akong idea pero tinuloy ko pa din. Ito pa din ang kinuha kong kurso kahit wala akong alam sa pagluluto at mahina din ako sa math.

Sana nakatulong ito. Good luck sayo! 🙂

Advertisements

4 thoughts on “Tourism, HRM or Business

  1. Gusto ko pong maging engineer kaso mahina ako sa math.bata palang po ako ang hilig ko po ay mag drawing.kung magiging engineering po ako ang kukunin ko pa ay civil engineering.pwede rin naman pong tourism kase pangarap ko pong makapagtravel.can you give me an advice?

    Like

    • Hello Clarissa. Kung Engineering talaga ang gusto mo, bakit ka magtotourism? Pwede ka naman magtravel later on kapag Engineer ka na basta may budget ka pwede na. I suggest tingnan mo yung curriculum ng dalawang kursong ito at kung ano sa tingin mo ang napupusuan mo edi iyon na lang. Ang masasabi ko lang, hindi naman porket Engineer ka ay hindi ka na makakaTravel at hindi rin porket Tourism ang kinuha mo ay makakapag-around the world ka na.

      Like

I'd love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s