FAQs on HRM

HRM….or Culinary?

Erika, isa isa nating sagutin ang mga tanong mo ha? 🙂

Erika De Ocampo

Hello po,

mag sesecond year palang po ako sa high school…
naguguluhan po talaga ako kung anong pipiliin kong course eh..pero po gusto ko po ng HRM…ang kinakatakot ko lang po…paano po kung di po ako nakapasa?….eh hindi naman po ako magaling magluto actually wala po akong masyadong alam sa pag luto…

Bakit ka naguguluhan eh gusto mo naman pala mag-HRM? Kung iyon ang gusto mong course edi yun ang kunin mo. Isa pa, ang unahin mong isipin ay ang pagpasa muna sa entrance exam mo sa university, saan mo ba balak mag-aral? Hindi ka naman mag-eexam agad ng tungkol sa pagluluto. General naman ang entrance exams ng mga university.

malaki po ung naitulong sakin ng binasa ko pong blog…baka nga po matanggal po agad ako sa trabaho kase po di po ako magaling mag luto eh…simula bata pa lang po ako HRM na po ung gusto ko pati nga po ung mama ko gusto din po ung HRM para sakin eh…maganda po ba ung HRM? mag eenjoy ka po ba sa HRM? kapag po ba ito ung nakuha ko pong course maituturo po ba samin ung iba’t-ibang paraan sa pag luto saka po matututo po ba ako sa pagluluto?

Relax. Bakit iniisip mo agad na matatanggal ka sa trabaho? Una itatanong ko muna kung pagluluto ba talaga ang gusto mo? Kasi kung mas hilig mo magluto, isusuggest ko na Culinary ang kunin mo. Bakit kamo? Kasi sa HRM marami pang ibang subjects ang tinuturo at hindi lang ito naka focus sa pagluluto, ie., Beverage, Tourism, Front Office, Marketing, Housekeeping etc., etc., Unlike sa Culinary na talagang pagluluto lang ang ituturo sa inyo. So pag-isipan mo muna yan.

Masaya kung sa masaya ang HRM. Mag-eenjoy ka kasi eto ang course na more on actual kesa sa normal na klaseng nakaupo sa classroom sa buong semestre. Maraming activities at talagang gagamitin mo ang iyong creativity.

Sa HRM meron ding mga course tungkol sa pagluluto. Noong college ako may course kaming Culinary, Baking at International Cuisine. Pero nga may mga Culinary schools na naka focus ka lang sa baking kung halimbawa baking ba ang gusto mong matutunan, may mga naka focus sa international cuisine at iba pa. So uulitin ko yung sinabi ko no, pag isipan mo kung HRM ba talaga ang gusto mo o Culinary. I check mo ang facebook profile ng First Gourmet Academy. Pag tiningnan mo yung profile nila, mukhang mga International Chefs ang nagtuturo so kung Culinary ang gusto mo, check this one out.

Aral muna bago trabaho ang iyong isipin. One step at a time. Darating din yan. alamin mo muna kung ano ba talaga ang gusto mo.

Advertisements

5 thoughts on “HRM….or Culinary?

  1. Hi po . HRM po kinuha ko na course tas maraming nag tatanong kung bakit daw hrm kinuha ko . Panget daw yan na kurso tas ang hirap pa daw mkahanap ng trabaho, marami pong nag didiscriminate sakin nyang kurso po nyan . 😦

    Like

    • Hello Vilma,

      Block section kami nung college at siguro nasa 50 kaming magkakaklase and so far lahat naman kami may trabaho at actually mas marami ang nasa ibang bansa.

      Siguro ang wala lang trabaho ay yung mga housewife na.

      Yung lang.

      Gets?

      Like

  2. Pingback: Tourism, HRM or Business | Hotelier Ako

I'd love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s