FAQs on HRM

Right Track?

Ang tagal kong hindi nakapagpost dito at salamat kay Iya Mea at nagkaroon ako ng bagong maipopost.

Iya, dahil mahaba ang iyong tanong, mahaba rin ang aking sagot hehe kaya isang buong post ang ating Q&A portion ahehe.

Iya MeaApr 6, 2:36 am
Hello po. Ang course ko po ngayon is BS in Hotel, Restaurant and Institution Management sa isang college along Taft. Sa college namin, need namin pumili ng track and these tracks are: Culinary Arts, Tourism Management & Hospitality Management. And sobrang naguguluhan po talaga ako. Hahaha. Ako po kasi is medyo kulang sa height (my height is 4′ 11 and 1/2) pero pagdating sa abilities, tantya ko lang naman na baka kaya kong dumiskarte. Ang problema ko po is hindi ko po alam kung ano yung track na gusto ko. Naguguluhan talaga po ako.

Kung culinary arts ang pipiliin ko, tingin ko naman po pwedeng pwede ako. Kasi height doesn’t matter naman po ata talaga doon at nagluluto rin naman po ako so feeling ko kaya ko naman. PERO hindi po ako mahilig magluto. Marunong po ako pero hindi po ako madalas nagluluto at yung mga cooking subjects ko po ngayon parang feeling ko tinatamad ako magluto ganon ganon. Hahahaha. So parang what I feel about taking up culinary arts is…. I know I can but I don’t think I like cooking. Huhu

Kung hindi mo talaga love ang cooking, hwag mo na ito i-pursue. Hindi ka nag-iisa sa sinabi mong “Marunong po ako pero hindi po ako madalas nagluluto” dahil lahat tayo marunong magluto. Ako marunong magluto (saing ng kanin, prito ng itlog at mag pakulo ng tubig para sa instant pancit canton) pero hindi talaga iyan ang passion ko. Sobrang interesado nga ako noon sa baking class dahil sa school lang ako nakahawak ng oven (mahirap lang kami kaya wala kaming oven sa bahay hehe) pero nung nag finals kami, bagsak ang Pineapple Upside Down Cake namin ng baking partner ko. Masaklap kasi parehas kami nung partner ko na hindi talaga magaling sa culinary. Well, bumagsak yung cake namin matapos na kaming bigyan ng grade (buti na lang). At dahil machikka yung partner ko, kinausap nya na agad ang prof namin na i-check agad yung cake namin (bago pa man ito bumagsak haha). At dahil sa napakagaling nyang communication skills ay naisalba naming ang aming final exam sa baking. Isa lang ang masasabi ko na naging paborito ko sa baking class at iyon ay ang paggawa nung mga flowers para sa cake.

Kung tourism management naman, tingin ko kaya ko rin siya. I sooooo love travelling. Tska madali ako matuto if places ang pinaguusapan. Ang prob ko naman dito, maliit naman po kasi ako. =)) Hindi ko alam kung saan ako mapupunta neto kasi I know na pag dating sa tourism industry, BIG DEAL ANG HEIGHT. Hahaha. Sabi naman ng prof ko, if tourism management ka that doesn’t mean na airlines kagad ang babagsakan mo kasi malawak ang field na ito. Pwede naman ata ako sa travelling offices pero parang big deal din naman ata ang height dun? So in the end…. feeling ko i want tourism pero my height is what I’m not sure of if tatagal sa tourism to.

Kung talagang passion mo ang travelling edi Tourism ang kunin mo. Honestly, mahihirapan ka kung ang talagang balak mo ay maging Cabin Crew/Flight Stewardess kasi kelangan talaga dito ng height. Bakit ba kasi kailangang matangkad pag Cabin Crew ano? Una syempre, kelangan naman talagang presentable ka at kelangan model type? Pero higit dito kaya nila requirement ang height sa propesyong ito ay dahil kelangan mong maabot yung cabins dahil, isa sa mga tasks ng magagandang cabin crews ay ang mag-assist sa mga passengers na ilagay ang luggage nila sa cabins at i-ensure na sarado ang mga to bago pa mag take off ang plane. Nabanggit ng isa sa mga dati kong nakatrabaho na Korean na talagang gustong-gustong maging cabin crew na during her interview sa isang prestihiyosong airline (dahil hindi naman sya katangkaran) pinataas daw ang dalawa nyang kamay para malaman kung abot nya ang cabin. Sabi nya, kahit naman daw di ka ganoon katangkad basta mahaba ang braso mo at abot mo ang cabin ay may pag-asa ka daw. Ganun pa man, kahit alam nyang di sya katangkaran, pinilit nya pa ding mag-apply ulit sa airline company na ito. Nakuha sya pero not as a Cabin Crew but as a receptionist ata, I am not too sure.

Gaya ng sabi ng prof mo, malawak ang field ng Tourism. Pwede ka din naman sa airlines pero as ground crew or office staff. Click din ang Travel Agencies (I guess, hanggang sa panahong ito). Di ko alam kung narinig mo yung online travel agency ni Paula Peralejo na “Our Restless Feet.” Sa isang interview nya napanood ko na mahilig sya magtravel and through travelling, nagkaroon sya ng mga contacts sa iba’t ibang hotel sa iba’t ibang parte ng Pilipinas at maging sa ibang bansa (Singapore & Thailand yata) at doon na sila nakaisip na magbukas ng Travel Agency. So, ang astig diba, she does what she loves and she loves what she does.

Pwede ka ding maging Tour Guide, ewan ko kung uso sa Pilipinas yan pero dito kasi sa Dubai ay maraming Tour Guides so pwede ka ding luminya doon. At wag mo masyadong problemahin ang height mo kasi marami dito sa Dubai ang hindi naman ganoong katangkaran pero pasok sa Tourism & Hospitality Industry eh (pwera talaga siguro kung Cabin Crew ang ipupursue mo, medyo mahihirapan tayo dyan.)

Kahit Tourism ang Major mo eh pasok ka pa din naman sa hotel. May kaibigan akong Tourism grad pero Sales Manager sya sa isang hotel dito sa Dubai. Linya linya lang din talaga siguro. Sorry pero talagang ang maibibigay kong example sa iyo ay mga Dubai scenarios dahil nandito ako.

Hindi ko masyadong gamay ang mundo ng airlines and ng iba pang related na field dito kasi HRM ang natapos ko so limited lang ang maipapayo ko sayo patungkol dito. Pero kung ito ang kukunin mo, as you go on marami kang matututunan lalo pa kapag nagpracticum ka na at pag marami ka ng nakausap na mga experienced people sa field na ito ay mas mauunawaan mo na din.

Lastly is hospitality management track. Sa hospitality, may nakapagsabi saken na hotel daw po ang usually na binabagsakan neto. Which is parang ok rin naman sakin kasi kung di man ako matuloy sa tourism, gusto ko sana na office office lang ako like parang babagsakan rin ng track nito. Pero on the other hand, kung di man ako matuloy sa tourism, mas gusto ko sana yung work ng events chuchu. Yung sa mga caterings tapos nag-oorganize ng events. What i want to know about this track is… is this the one? Hahahahaha. Kasi di ko na talaga alam. 😦

Ang Hospitality sobrang lawak din ng saklaw nito at hindi lang sa hotel ang kinababagsakan nito (pwede Restaurants, Consultancies, etc.,) . And wag kang magsesettle sa bagay na sa tingin mo “kinabagsakan mo lang” dahil wala ka na lang din choice. Nabanggit mong gusto mo sa events and catering. Hmmm, maganda din sa events kasi exciting ito, lumalawak ang imagination and creativity mo, nakakasalamuha ka ng maraming tao pero kung office work ang gusto mo, parang contrary ito kung mag-e-events & catering ka? Kasi para sa akin, yung mga taong gusto sa opisina ay yung mga gusto ng 9hours office job lang, nananahimik sa isang sulok ng opisina at ginagawa ang kanyang admin work (at hindi na tinatawagan pa once you step out of the office for some issues) na kabaligtaran ng nasa events and catering. Kung gusto mo mag-organize ng event, pressure ito dear at hindi ka makakatulog ng maayos hangga’t hindi natatapos ang event mo. At all throughout the event nandun ka hanggang matapos ito which means puyatan and paguran to the max ang events management kapatid at 24/7 kang on call. Isa pa kung isasali mo pa ang catering mas madugo dahil matrabaho kapag involved ang pagkain.

Bibigyan kita ng halimbawa sa Events and Catering:
Let’s say mag-oorganize ka ng garden wedding. Una, may meet and greet kayo ng client. May pirmahan pa ito ng kontrata kung ano ang mapagkakaasunduan nyong lugar, themes/motif, set menu (buffet ba ito or a la carte and what type of cuisine), may food tasting pa ito ha matapos nyong mapagkasunduan ang set menu at pag hindi nagustuhan ng client mo ang food ay back to square one kayo. And then andyan ang design nung area, souvenirs, flowers, performers at iba pang details noon. And on the day of the event, kelangan smooth ang flow ng event, walang delay sa program, sa pagkain, sa service dapat lahat seamless dahil sayo nakasalalay ang “entire experience” nung event. At hindi pa tapos yan, kelangan ma-secure mo din ang payment ha (haha, just in case makasalamuha mo ang mga clients na pasaway sa singilan.)

Above are what I feel and my opinion about each track. Huhu pwede po ba magpahelp? Which track suits me? Which track is the best? And which track ang tingin niyo medyo stable at ok ang sweldo? Naguguluhan na po talaga ako. Pero kung masasagot niyo po ito, sobrang magiging thankful po talaga ako. Sobrang kaylangan ko po ng tulong ngayon. Hahahaha. Maraming salamat po! Btw, ang helpful po ng blog niyo para saaming mga HRM students! More power and God Bless

Well, ang masasabi ko lang, iisang tabi mo na ang culinary dahil sa pagkakakwento mo ay hindi naman talaga ito ang passion mo. Yung travelling na passion mo, pag-isipan mo din ito. Maraming mahilig mag-travel pero hindi nila field ang Tourism or Hospitality. Masarap mag-travel pero baka hindi mo na magustuhan kung ikaw na yung nag-oorganize nung travel. So pag-isipan mo pa din yan. Pwede ka pa rin namang mag-travel kahit sa office ka nagtatrabaho diba? Iba pag ikaw yung traveler at iba yung ikaw yung nagsisilbi sa traveler. Tandaan mo na ang Tourism and Hospitality ay “service” sector kaya kung wala kang amor sa pakikipagdeal sa mga makukulit na clients ay targetin mo yung mga back of house or admin tasks like hotel reservations, sales coordinator, human resources. Well sa hotel reservations nakikipagusap ka pa din sa mga tao pero at least di mo sila kaharap hehe. Yung Events and Catering, kung kaya mo maghandle ng pressure at mahilig ka sa challenge edi i-pursue mo ang field na ito pero kung hindi, sayang at baka hindi mo tagalan.

And yung pagdating sa stability and sweldo, honestly hindi ako masyadong pamilyar sa sistema sa Pilipinas dahil hindi talaga ako nakapagtrabaho dyan. Pagkagraduate ko pa lang ng college ay dakilang OFW na ako.  So sa tingin ko naman kung nasa Pilipinas ka ay depende sa Hotel or company mo nakasalalay yung stability ng work mo kung yun ang hanap mo. Minsan kasi stability and good salary doesn’t come hand in hand. May companies na average lang ang sweldo pero stable sila, secured ang work mo until kung ikaw na lang yung aayaw at magreresign. May companies na malaki mag offer pero pag humina ang business, unang natatanggal yung mga malalaki ang sweldo.

Well ang masasabi ko ay wag mo munang isipin ang sweldo agad. Unahin mo muna yung experience kasi habang dumadami ang experience mo, either mapopromote ka sa company na mapagtatrabhuhan mo in the future at syempre promotion comes with increment or may mga mag ooffer sayo ng magandang package because of your expertise. Who knows, baka pang Ms. International din ang beauty mo at sa ibang bansa ka pa makakuha ng magandang work diba? So iisang tabi mo muna ang thoughts mo about salary at unahin mo muna ay kung ano talaga ang passion mo, kung saan pakiramdam mo na dun ka mageexcel, ayun muna.

Ayun naalala ko na dapat open din ang mind mo on working abroad kasi yun ang nature ng business natin diba? Isa pa maging open ka for any other opportunities, hindi porket Tourism ang passion mo ay dun ka na talaga sa field mo mapapadpad (may classmate ako nung college na hindi nakakuha ng work na related sa hospitality and guess what? Sa bangko sya nakapagtrabaho  ) And ako ang passion ko noon ay F&B particularly wines, beverages,cocktails etc., pero guess nasan ako ngayon? Nasa admin ako doing Market Research 

So yun, sana naman ay nakatulong ako at kung meron hindi klaro don’t hesitate to ask me again. I am always ready to help as long as kaya ko.

Ayun, salamat sa pagbabasa. Tc.

Advertisements

4 thoughts on “Right Track?

  1. Naku!!! Maraming salamat po talaga! Nasagot niyo po yung tanong ko! At least kahit papano, naisip ko kung saan ako mageexcel! Maraming salamat po talaga!!!! Sana marami pa po kayong matulungan! God Bless po sainyo 🙂 😀

    Like

  2. Hi. Ate. Grabe. Nabasa ko po yung lahat nang blog mo, pati narin sa mga comments. Natakot ako sa mga natuklasan ko. Hahahahaha.Simula, sa paghahanap nang work na kailangan may height din. Kung ang course ay HRM. Oh! Urong na po ako Jan. Haha. Wala akong height sa totoo lang. 😦 Hurt! Pero gusto ko pa talaga mag HRM Bata pa lang ako. Akala ko HRM about sa pagluluto lang pero di pala. Ang dami pa lang pwedeng ma experience kaso may kamahalan. Sa ngayon po kase, nag stop po ako nang study ko. Bilang freshman student na Office management po ang kinukuha. Una po, Hindi ko po talaga gusto sya. Naboboring po ako. Pangalawa, tutok ang Lola mo sa lahat nang Gawain, wala ka pa nga sa office pati utak mo, pagod narin. Haha. At isa pa, nagkaroon nang financial prob. So ngayon po, nag nanais po akong kunin ang kursong BS in HRM or yung BS in Hospitality Management major in HRM. Yun nga ba tawag dun? Hehe. May nabasa po kase ko sa mga blog mo about sa mga Gawain at trabaho nang mga hrm graduates. Sa totoo lang din po gusto ko rin maka travel pangarap ko po maka punta nang ibang bansa. :)) so nung nabasa ko lahat nang blogs mo. Natuwa ako, kase na I imagine ko Lahat. Yung place yung hotels, pagkain. Mga taong makakasalamuha ko. Ang exciting, pero nahihirapan parin po akong mag desisyon kung okay din po ba yang hrm balang araw? Kase po 2nd choice ko na to para i-pursue ang dreams ko. Sa Una po, sumuko agad ako, so this time po gusto ko na pong tatagan yung loob ko para makuha ko gusto ko. Kahit parang imposible pagdating sakin. Hehe gulo ko po noh? Napaka nega ko po kase. Nakakainis. Kaya takot po akong sumabak sa panibagong nakikita ko panibagong gusto kong maranasan. Tulad nga po nang HRM gusto ko po talaga kaso, di po ako sanay mag luto. Taga kaen nga lang po ako samin e. Haha. Mahilig din po akong makipag usap sa iba kahit di ko pa sila kilala yung parang dadaldalin ko sila kung bakit ganyan ganto paano nangyare yan. Yung mga ganoon po. (Haha gulo ko ulit) nung bata parin po ako, masyado akong aliw na aliw sa mga hotels restaurant yung parang lahat gusto ko ma try? Kaya gusting gusto ko po kang HRM na course, gusto ko mahatma bago sa paningin ko. Ma creativity din po ako. Pagdating sa mga design ay!! GO AKO JAN!!! hahahahaha. Lalo na kung pagkaen pag uusapan. Siguradong di mo na makakain dahil sa ganda nang design. Haha charot lang po. Basta po iyun, ask ko lang po kung okay po ba talaga yan. Willing na po ako, kaso takot po ako baka mag fail lang ulit ako. Baka wala akong marating! Haha. Aray ko po! Wag naman Sana. Ayan po, gustong gusto ko po talaga. Makikipag sapalaran na lang sa gastusin mahirap lang po kami at ako lang ang mag ppaaral sa sarili ko kaya gusto ko the best na kang last ko. Bigyan nyo naman po sana ako nang tips about sa pagkuha nang HRM. Bukod sa height ki talaga, di ko na alam gagawin ko. Haha. Thanks po.

    -Rutaaay! Isang pandakekak na mahilig sa pagkain at mahilig mag paganda. Hahahaha. 🙂 GODBLESS!

    Liked by 1 person

    • Hello Rutaaay!

      Natawa naman ako sa comment mo.

      Nabasa ko pa lang yang comment mo naisip ko na na bagay yang personality mo sa hospitality. Kwela, daldal at adventurous.

      Yung tungkol sa height, medyo disadvantage talaga yan pero minsan nadadaan na lang din yan sa diskarte. Sa Pilipinas lang naman sobrang higpit pagdating sa height. Dito naman sa Dubai umuubra naman minsan kahit maliit. Dyan kasi kahit receptionist lang aapplyan mo sa hotel pang Victoria’s secret model ang screening.

      Tungkol naman sa pagluluto, matututunan mo din yan. At tungkol sa gastos, medyo magastos talaga ang HRM. Pero kung gusto mo, yan ang kunin mo. Masaya ang course na yan 🙂 TAke note: mahirap lang din kami at kapos na kapos nung college ako pero naigapang din naman kaya kaya mo din yan.

      Yung tanong mo na kung ok ba sya in the long run, I guess, oo kasi 9years na din akong nagtatrabaho sa mga hotels and may narating naman na din ako kahit papaano.

      Masaya sa hotel field. Hindi ko ipagpapalit ang propesyon ko he he. Ayun lang. Comment ka lang po ulit kung may question ka pa. Medyo brief lang ang answer ko at siningit ko lang to…busy po sa opis. Tenks.

      Like

I'd love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s