Kwentong Recruitment

Kwentong Recruitment

Ang post na ito ay tungkol sa pagtataray ko sa mga salbaheng aplikante, ganun din ang ilang tips sa pag-aapply. Kung gusto nyo ng trabaho, wag nyong inisin ang employer/recruiter.

 

Nitong mga nakaraang araw ay napag utusan ako ng aking boss na mangalap ng mga cv/resume dahil maraming posisyon ang nabakante sa aming kumpanya. Syempre feeling expert ang lola nyo..tahahaha…. nagmaganda akong i-screen ang mga applicants. Hindi ako nagtatrabaho sa HR pero ano ang karapatan kong magscreen ng applicant? At ano naman ang alam ko dito? Simple lang. Aalamin ko muna yung nature nung trabaho at iaayon ko sa mga experience ng mga aplikante. Halimbawa ang posisyong bakante ay Captain para sa Buffet Restaurant. Ang unang una kong titingnan dyan ay yung relative experience syempre. Kung wala syang experience bilang Captain, Head Waiter or kahit Senior Waiter man lang eh tsugi na. Kung wala din syang experience sa Buffet Restaurant, tigok na din yan. Bakit kamo? Ang isang taong eksperiyensado sa Fine Dining ay maninibago sa Buffet Restaurant. Sa fine dining ay napaka elegante at detalyado ng service, samantalang sa buffet ay mabilisang serbisyo at maramihan ang kumakain. Nahihirapan yung iba na mag adjust dito. Tinitingnan din dyan kung saan ka huling nagtrabaho. Kalinya o ka level ba ito ng company ng recruiter? Tinintingnan din kung gaano ka katagal sa mga previous company na napasukan mo. Mahalaga iyan kaya wag palipat lipat ng company.

oprah.com

oprah.com

Minsan naman, kaka-graduate pa lang ng college eh nais nang maging kapitan. Huminahon ka iho. Kelangan mo munang mag karoon ng experience. Di porket sikat na eskwelahan ang pinanggalingan mo ay mauuna ka na sa iba. Experience muna ha.

Kaya para doon sa mga nagaaply ng trabaho, tingnan nyo munang maigi kung yung inaapplyan nyo ay may kinalaman sa field of experience nyo para hindi sa recycle bin ang tungo ng mga resume nyo.

Pagtapos ko namang magmaganda sa screening, tumatawag naman ako ng mga applicants para mag set ng appointment for interview. Dito lalong bumabagsak sa akin ang karamihan.

Kapag tinawagan ka for interview at tinanong mo agad sa akin kung magkano ang sweldong inooffer namin….thank you and bye bye ka na. Hindi ko nga alam kung gaano ka kagaling eh paano kita oofferan?

Sa phone, wag kang magyabang ok? Bago kita tawagan ay inusisa ko na ang resume mo. Sa interview ka na magpakitang gilas.

Pag nagemail sayo ang employer/recruiter, magreply at magconfirm kung ok ka sa date at time ng interview. Kung hindi mo alam kung saan yung lugar ng interview, wag mahiyang manghingi ng location map o ng mga nearest landmarks para hindi maligaw.

During the interview naman wag kang late. Wag din naman masyadong maaga. Bago ka pa pumunta sa interview, dapat alam mo yung nature nung trabaho na inapplyan mo, at dapat nakapagresearch ka man lang tungkol sa company na inapplyan mo. Halimbawa, ang inapplyan mo ay Bar and Restaurant. Ang ibig sabihin nyan, ang oras ng trabaho mo ay mas madalas na panggabi dahil yun ang oras ng operations ng bar. So wag kang magiinarte at magsasabi na babae ako, dapat pang umaga lang ang shift ko during the interview.

Wag na wag ka ding magtatanong ng package kung hindi naman ito tinanong o pinaliwanag ng employer.

Wag kalimutang magpasalamat at mamaalam ng maayos sa employer.

Wag kakalimutan na first impressions last. Kaya give your best shot during the interview. Maging polite din sa phone ok? 🙂

🙂

Advertisements

I'd love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s