Beverages / FAQs on HRM / Kwentong Kolehiyo

FAQs: Ano ang trabaho ng isang bartender?

inthehallofmirrors.typepad.co.uk

inthehallofmirrors.typepad.co.uk

Madami na tayong mga video na mapapanood ng flair bartending, exposed na tayo dyan sa mga nagju-juggle ng bote at kung ano ano pa. Kamakailan lang ay may nakita akong Bartending Competition kung saan judge si Ms. G Toengi, isang batikang ‘Bar Guru” na nag aral pa sa ibang bansa para mapaghusay ang kaalaman sa mga beverages. Meron din akong napanood na isang bata na sumali sa PGT na nagpakita nang gilas sa pagbabato ng mga bote. Ang bartending ay hindi lamang nangangahulugan na dapat ay marunong kang magbato ng bote although malaking puntos para sa inyo, mga aspiring bartenders kung mahusay kayo mag flair kasi part ito ng showmanship nyo.

Ang  bartender ang nangangalaga sa bar ng isang restaurant, sya ang nagtitimpla ng mga cocktails at minsan sya rin ang nagseserve nito. Sya din ang umoorder ng mga kailangan sa bar tulad ng mga beers, spirits, garnish atkung ano ano pa at sya rin ang nagbibilang o kumukuha ng imbentaryo ng mga stocks sa bar. Para sa mas malawak na paliwanag ay maari nyong basahin sa link na ito http://en.wikipedia.org/wiki/Bartender.

Noong ako ay kolehiyo pa lamang ay meron kaming subject na Beverage Management na kung saan ay natutunan naming uminom ng iba’t ibang uri ng mga alcoholic drinks. Tinitikman namin ang mga ito at nilalasahan naming ang mga chaser o mixer na babagay sa mga ito. Pinakabisado din sa amin ang 24 International Cocktails tulad ng Tequila Sunrise, Black Russian, Tom Collins at marami pang iba. Iyan ang midterm exam namin. Kakabisaduhin namin iyan at bubunot kami ng isang cocktail out of those 24 at iyon ang titimplahin namin sa harap ng klase. Ang isang bartender ay nangangailangan ng malawak na kaalaman pagdating sa mga cocktails. Dapat ay kabisado mo ang mga international cocktails at dapat din ay mahusay kang magtimpla at creative ka din. Madalas ay umiimbento ng kaniya kaniyang signature cocktails ang mga bartenders. Pero kelangan masarap ito at may dating para madaling ibenta sa bar nyo.

Hindi lang dito natatapos ang trabaho ng isang bartender. Kailangan din na masiguro nyang ang mga inumin ay mai-serve within 3-5 minutes. Kailangan consistent ang pagtimpla at naayon sa hygiene standards. Dapat din ay mapanatiling malinis at kaaya-aya ang bar. Kailangan din ang showmanship lalo na kung sa pub or club ka pa nagtatrabaho. (Don ka kasi makakakuha ng mas maraming tips pag nag-eenjoy ang mga guests mo sa palabas mo )

Ang flair bartending naman ay itinuturo na din ngayon sa mga Unibersidad. Naalala ko noon na suki kami ng junk shop dahil bumibili kami ng mga bote ng emperador na ang halaga ay 3 pesos ang isang piraso. Wala kasi kaming pambili ng flair bottle noong mga panahong iyon. Mas maganda mag-aral nito sa tabing dagat o sa damuhan para hindi agad mabasag ang bote at sandamakmak na electric tape ang pinapaikot namin sa bote para di agad mabasag. Ang unang dapat matutunan dyan ay yung single flip, sanayin ang kamay hanggang sa kaya mo nang mag double flip. Masarap mag-aral ng flair bartending. Sa una lang mahirap at magkakapasa ka dahil sa mga tama ng bote, pero pag napaghusayan mo na ang mga basics ay pwede ka na umimbento ng sarili mong moves and flips. (May nadampot akong bartender’s blog na maganda ganda ding basahin ng mga nagaaspire na maging bartender, click nyo lang dito.) Isa sa mga nakilala kong flair bartender dito sa UAE ay si Sir Glen Gabiola na member o officer ata ng Mastah UAE (isang samahan ng mga bartenders at kasama rin nya si Sir Jay na hindi ko maalala ang apelyido na nakita ko nang nagpapasikat magflair sa amin noong kolehiyo pa lang ako.) Ito ang video nya habang nagpapraktis sya sa back area ng club nila pasensya na at malabo ang camera na nagamit pero mas marami kayong makikitang malinaw na videos online. http://www.youtube.com/watch?v=42xoMW0Oxcw

Mahaba na pala ang naisulat ko pero kaunti pa lang ang naikwento ko. Masarap pag-aralan ang flair tending ganun din ang mga cocktails. Hindi ako naging bartender pero hanggang ngayon ay naka-stock pa din sa utak ko yung mga ingredients ng cocktails na kinabisado ko noon. Sana sa babasa nito kung may tanong kayo o maidadagdag na kaalaman pa ay wag mag atubiling magiwan ng comment. Hindi man ako expert na bartender eh meron pa rin naman akong mga kwentong maibabahagi at marami pa din akong nais matutunan.

Hanggang dito muna 🙂 Ciao!

 

Advertisements

I'd love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s