FAQs on HRM / Rooms Division

FAQs: Trabaho ng Room Attendant

Q: Ano ang trabaho ng isang Room Attendant

A: Hindi madali ang maging isang room attendant lalo na kung malalaki ang size ng guest rooms nyo. Hindi ko nasubukang magtrabaho sa Housekeeping Department pero ikukwento ko na lang  ang mga kwento ng aking mga katrabaho.  Sa kasalukuyan ay nagtatrabaho ako sa isang 3 star hotel kaya ang mga magiging halimbawa ko ay nakabase sa mga standard practices namin dito.

 

room attendantDumarating ang mga room attendants namin sa hotel ng mga bandang 8:45 ng umaga. Nagsisimula ang kanilang araw sa pamamagitan ng morning briefing. Dito nila pinaguusapan ang mga nangyari sa nakalipas na araw, mga guest complaint at mga dapat gawin para sa araw na iyon.  Ibibigay sa kanila ang section na dapat nilang linisin at bawat isang room attendant ay kailangang may malinis na 25 rooms sa isang araw. Depende sa laki ng mga rooms ng hotel ang dami ng ibibigay sa isang attendant. Sa kaso namin, 22 square meters lang ang mga room. Maliit sya kumpara sa mga rooms ng mga 4 o 5 star hotel. At dahil maliit ang mga kwarto ng aming hotel, mas maraming kwarto ang kayang linisin ng isang room attendant. Sa ibang hotel yata ay 16 – 20 rooms per day ang hawak ng isang attendant.

trolleyIhahanda na nila ang service trolley tulad ng nasa larawan at pupunuan ito ng mga gamit na kailangan nila para sa paglilinis at pag replenish ng mga rooms tulad ng towels, linens, mga basic amenities, sabon, shampoo, sugar sachets, coffee and tea at kung ano ano pa depende sa standard ng hotel.

Pag naayos na nila ang kanilang service trolley ay magsisimula na silang pumunta sa mga rooms. May mga rooms na occuppied pa at irereplenish lang ang amenities at papalitan ang mga linen.  May mga kwarto naman na vacant na kaya kelangan ng linisin ng todo.

Matapos linisin ng mga room attendants ang kwarto ay may check list silang pinupuno, dito ay malalaman nya kung nakumpleto nyang ang mga dapat gawin sa kwartong iyon. Ang mga supervisor nila ay magchecheck ng mga rooms according sa checklist ng attendant para masiguro na nalinis nya nga ng maigi ang kwarto.

Kailangan ding matalas ang pag obserba nyo sa kwarto. Tulad na lang ng mga pundidong bumbilya o remote control na walang baterya. Hindi nyo na trabahong gawin yan pero kailangan nyo yang ireport sa Engineering Department para naman maayos nila.

May mga ibang hotel naman na room attendants din ang nagchecheck ng mini bar (pero mas madalas na room service ang gumagawa nito). Titingnan nyo kung nabawasan ba ang mga laman ng mini bar at icoco-ordinate nyo ito sa Front Office para mbayaran ng mga guest ang nakonsumo nilang produkto.

Ang aking inilahad ay halimbawa lang ng pang araw araw na ginagawa ng mga room attendants pero syempre bukod pa dyan, may iba pa ding side duties na ibinibigay.

Sa larangang ito ay dapat malakas at maliksi ang pangangatawan, gayon din ay mahusay dumiskarte para mabilis matapos ang gawain at naayon sa standard.

Sana ay nabigyan ko kayo ng kaunting idea kung ano ba ang ginagawa ng isang room attendant. 🙂

Advertisements

2 thoughts on “FAQs: Trabaho ng Room Attendant

    • Hi Ms Kristine

      Ang site pong ito ay ginawa ng isang hotelier din upang makapagbigay impormasyon sa mga kapwa hotelier at hindi po para pagbuntunan ng sisi.

      Wala po akong nirerepresent na kahit anong hotel kaya wala po akong kinalaman sa standards nila sa pag hire ng tao.

      Hindi ako ang nag seset ng standards ng hotel kaya wag nyo po akong tanungin na parang ako ang may pakana.

      Isa lang din po akong taong nagaapply at narereject din ng hotel na nagsusulat para makatulong at hindi para pagbuntunan ng galit.

      Like

I'd love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s