FAQs on HRM

FAQs: Ano ang Pagkakaiba ng Bellman sa Concierge

Ano ang pagkakaiba ng bellman sa concierge?

Nasa iisang departamento ang dalawang iyan pero magkaiba ang nature ng trabaho nila allthough masasabi nating linked sila sa isa’t isa.

Ang bellman ay karaniwang tinatawag din na porter o bellboy, depende sa term na gustong itawag dito ng hotel. Sila ang mga unang taong sasalubong sa iyo sa hotel at tutulong sa pag ayos at pagbitbit ng luggage mo. Sasamahan ka nila hanggang sa iyong kwarto, bubuksan nya ang ilaw at kurtina ng kwarto mo para sa iyo at magpapaliwanag ng mga facilities ng hotel.

nakuha sa blog.expertflyer.com

nakuha sa blog.expertflyer.com

Ang concierge naman ay mas madalas na nakatayo lamang sa likod ng concierge desk. Sila kasi ang pinagtatanungan ng mga guest at kinukuhanan ng impormasyon tungkol sa mga transportation, tours at reservations at kung ano ano pa kaya kailangan sa isang Concierge person na maraming alam na impormasyon tungkol sa lugar o siyudad na kanyang pinagtatrabahuhan(ampanget ng term ko sa salitang ito.) Sa concierge desk madalas lunmalapit ang mga guest ng hotel kung gusto nilang magpabook ng tours, sasakyan, magpareserve sa restaurant at magpabook sa mga activities na gusto nilang gawin.

nakuha sa homekeepersindia.com

nakuha sa homekeepersindia.com

Naikwento ng aking boss na may isang Conceirge Person daw sa isang hotel sa Turkey ang kumikita ng mas malaki pa kaysa sa General Manager ng hotel. Bakit at paano? Simple lang. Sa tagal nya nang nagtatrabaho doon sa concierge, madami na syang kilala sa Turkey, alam nya na ang lengwahe at alam na nya ang mga sikat na destinasyon doon. May mga pagkakataon na fully booked na ang mga teatro o restaurants pero naikukuha nya pa ng mga seats ang mga guests nya. Syempre may tip na syang nakuha para sa extra service na ibinigay nya sa guest, may mga komisyon pa syang nakukuha sa mga kumpanya kapag nakakapag-refer sya ng guest.

sana ay nakatulong ang aking maikling paliwanag tungkol sa pagkakaiba ng dalawang ito 🙂

Advertisements

13 thoughts on “FAQs: Ano ang Pagkakaiba ng Bellman sa Concierge

  1. Pingback: Hotel and Restaurant Management Course | aysabaw

  2. Kng sakali p0,n e2 p0 ang gs2 kng kunin sa trabaho
    .pwde p0 b e2 e abroad,.? gos2 q0,kc ag maging accountant pr0 minsan bobo p0 aq ng math at s0brang nkakli2 pr0 ng mkita at mbsa q0,p0 ag p0st ny0 ng esearch q0,ag accountant bigla p0 nbgo yung icp q0,4rth yr n p0 aq ngaun at s0brang nlili2 kng ano ag maging c0urse q0,’n gus2han q0,ag HRM course dhl lhat ng hilig kng mrt!ng prang d2 n,my gling dn nman aq s paglulu2,gus2 q0 dn ung #4.sale & marketing,’ ung #5.cruise ship,’ #6.ailines/travel agent,.at especialy ung #3.front offece,.pangarap q0,tlga ag maging telephone operator o c0ncierge s ibng lugar,’pr0 hnd q0,alm f saAn q0,hnpin ag course n 2 d q0,alm kng mr0n b s c0tabato o tacurong,tga mindanao kc aq s lungsod ng ARMM,.

    Like

    • Hi Naila!

      Maraming salamat sa iyong pagdaan dito sa aking blog at salamat din sa pagbabasa.

      Bakit ka kukuha ng accounting kung HRM pala ang gusto mo? Pagisipan mong maigi yan. Maraming bansa ang iyong mapupuntahan na tumatanggap ng mga Pinoy na hotelier. Isa akong HRM graduate, at ako at halos lahat ng mga classmates ko nung college ay nasa ibang bansa na. Isa sa kanila, nagsimula sa pagiging Concierge dito sa Dubai. Hindi naglaon ay nalipat naman sya sa Singapore at ngaun naman ay Head Concierge na sya sa isang 5 star hotel sa Canada.

      Magsimula kana magsearch ng mga college at universities na nagooffer ng HRM course at wag ka na malito.

      Kung may tanong ka pa po, iwan ka lang po ulit ng comment. Salamat muli!

      Like

I'd love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s